You are currently viewing My crush landing on You: How to handle romantic rejection?

My crush landing on You: How to handle romantic rejection?

Grabe Bes, di ako makapaniwala. Bakit nagawa mo sakin ito? Ako yung nagtanim pero ikaw yung umani.. Sheket! Sa lahat, bakit ikaw pa? Char.

It really hurts… Napapasayaw na lang ako sa sakit. Abot tanaw ko na si crush eh… Tapos bigla ka dumating. Sheket talaga.


Mapapa wow ka na lang talaga kung bakit hindi ka pinansin ni crush. Minsan mapapatanong ka sa sarili mo ano bang meron ang kaibigan ko na wala ako? Maganda naman ako. Smart. Talaga ba Sis? Oo sabi ng nanay ko. Wag ka jan!


Akala ko pa naman sa tuwing nakatingin si crush ako yung tinititigan. Hindi pala.. Ikaw pala Beshie. Sabi mo hindi sya ang tipo mo. Anyare Beshie? Sheket talaga!

Kaya pala pag niyaya ko si Crush manood ng sine o pagtinatawagan ko lagi sa cellphone masama pakiramdam nya. Akala ko nga ma ospital na sya.. Char. Araw-araw ko ba naman tinatawagan sa cellphone tapos araw-araw din masama pakiramdam nya. Sa susunod na tatawag ako ang itatanong ko kung magaling na sya.. hehehe


Sa kinikilos ni crush alam ko hindi nya ako type. Pwes! Hindi ko din sya type. Sorrry, nadala lang ng damdamin. Sa ganitong pagkakataon anu ba ang dapat kung gawin? Paano ko ba dadalhin ang rejection na naranasan ko?

Healthy ways to handle rejection
Beshie, alam mo naman na mali ang magalit. So, ano nga ba ang tamang diskarte?

Beshie, natural lang naman ang makaranas ng rejection. Ito ay parte ng pakikipag-relasyon. Ibig sabihin lang neto ang bawat tao ay may kanya-kanyang pananaw, kagustuhan, at pamantayan. Asking a person for a date, kung wala naman kayo parehas na interest, hindi kayo mag enjoy at maging masaya parehas.


Kaya, Kalma ka lang beshie. Instead na magalit ka isipin mo kailangan mo makabangon sa kasawian. Ang rejection makakatulong sayo yan para umunlad bilang isang indibidwal. Kaya huwag mo masyadong damdamin. Saka napunta naman si crush sa mabuting kamay. Char.


Sa totoo lang beshie, hindi naman ganun kadali malagpasan ang rejection. Kasi ang rejection nagdudulot yan ng existential crisis of alone-ness, masakit at mahirap hindi pansinin. Existential crisis? Oo yung minsan tinatanong mo saysay ng buhay mo o kung tama ba ginawa mo desisyon. Magisa nga lang ba ako?

Sa tuwing magiisip tayo ng negatibo gawa ng rejection na apektuhan ang self-worth naten. Nanjan yung pakiramdam na parang ang pangit pangit mo. Hindi ka attractive. At parang wala ka magandang katangian. Ikaw lang nagiisip nyan. Subukan mo lagnatin – buong barangay nagmamahal sayo. Char.


Ito ang tandan mo Beshie okay lang ang maging malungkot. Hayaan ang sarili dumaan sa proseso ng rejection. Tanggapin mo ang iyong totoong nararamdaman gaya ng kalungkutan dulot ng rejection.


Tapos Beshie paligiran mo ang sarili mo ng mga taong nagmamahal sayo at tanggap ka. Mahalaga na mapanatili mo ang relasyon mo sa iyong Pamilya at kaibigan. Makakatulong ito Bes para malagpasan ang iyong kalungkutan. Supportive yan mga kaibigan mo, pramis hindi ka nila kakantyawan hehe.

Praktis self-love and self-care. Mahalaga na ibigay ang pagmamahal sa sarili. Sabi nga, you cannot give what you do not have. Kaya mahalin ang sarili. Gawa ka ng listahan Bes ng mga katangian mo na that you are proud of. Saka magbalik tanaw ka sa mga napagtagumpayan mo na sa buhay beshie.


Maglaan ng oras sa sarili Bes. Treat yourself gaya ng pagpapa-masahe at ehersisyo beshie. Ang pag-ehersisyo ay nakakatulong para guminhawa ang pakiramdam naten. Ang katawan kasi naten ay nagrerelease ng happy hormone ‘endorphin’ sa tuwing tayo ay nag-ehersisyo.

Kaya si Crush ipaubaya mo na sya sa iba. Sa ngayon, mahalin muna ang sarili. Sabi nga ni Mang Tani, dapat laging ‘I am ready’.


Ganun pa man, ang inyong nabasa ay pawang gabay lamang sabi nga ni Zenaida Seva, meron tayo free will gamitin naten.

This Post Has One Comment

  1. Timmy Joy

    Rejections? well talagang masakit yang salita na yan but tama si writer rejections is a part of our lives lahat ng bagay sa mundo may matatanggap tayo na mga rejections dahil una sa lahat hindi naman tayo binuong perpekto para pumasok agad sa standards na hinihingi ng isang tao. Kaya mas mabuti talaga na sanay tayong tumanggap ng katotohan sa buhay. I like the message of this story and btw im sharing my opinion hehehe.

Leave a Reply