You are currently viewing Attack on Itan: How to increase one’s self-confidence?

Attack on Itan: How to increase one’s self-confidence?

Bes, sa buhay minsan hindi maiwasan na nawawalan tayo ng tiwala sa atin sarili. Minsan o madalas ay pinagduduhan naten ang ating kakayahan. Lalo na kung nakakarinig ka ng feedback na hindi ka magaling, tamad, pangit, walang kwenta at bobo. Eh di sila na magaling! char.

Teka, Bes kalma lang! Huwag mo sila pansinin. Lalo na kung hindi ka naman nakakahingi ng payo at tulong sa kanila. Tawanan mo na lang Beshie.

Pag sinabihan ka na amoy putok ka. Aba! Dapat taas noo ka. Pinaghirapan mo yan eh.. Pag sinabihan ka hindi ka maganda kasi ang daming bakas ng tigyawat sa mukha mo. Aba! Dapat taas noo ka. Pinaghirapan mo yan eh! Char.

Tandaan mo ito Beshie, darating ang panahon lahat ng may tigyawat ay maganda. At lahat nang makinis ay pangit. Darating ang panahon! huh.. Char.

Bes, ang gusto ko lang sabihin lahat ng tao ay may kapintasan. Gaano man kaganda ang panlabas nila na anyo. At gusto ko sabihin na normal lang na tayo ay mapintasan. Lahat ng tao ay napipintasan gaano ka man kabait, kabuti at kaganda.

Talaga ba? Baka naman sinasabi mo lang ito dahil magkaibigan tayo? O kung ayaw mo maniwala eh di maghanap ka ng ibang kausap. hahahah. Madali ako kausap Beshie. Don’t me!

Maiba tayo Beshie, anu nga ba ang pwedeng gawin para madagdagan ang tiwala sa sarili? How to increase one’s self-confidence?

Una beshie, kailangan mo alamin ang pinanggagalingan nang negatibong saloobin. Kadalasan ang negatibo iniisip ay maaring dala ng atin karanasan sa trabaho, problema sa bahay, at eskwela. Gaya ng nawalan ng trabaho, mababang grado sa asignatura, rejection o di kaya paghihiwalay ng magulang.

In short, may pinaghuhugutan tayo. Naapektuhan tayo at nakakapagpababa ng tiwala sa sarili. Kaya na mahalaga na magkaroon tayo ng kamalayan sa atin saloobin at iniisip. ‘Huwag mo isipin hindi mo kaya‘. ‘Huwag mo isipin papalpak ka‘. Kung kaya nila kaya mo din.

Pangalawa, harapin natin ang atin mga kinatatakutan. Minsan may mga kailangan tayo gawin na natatakot tayo kasi ayaw natin magkamali. Kaya ayaw natin subukan. Gaya ng pagligo sa umaga kasi malamig ang tubig. Char. Pagharap sa salamin. Char. Magtake ng board exam, maging lider ng isang grupo o di kaya magtayo ng bagong negosyo.

All you have to do is to face your fear. Ganun talaga! Minsan sa buhay ang natitira natin pagpipiliian ay maging matapang. Yun lang! Tama ba beshie?!

Masarap sa pakiramdam na mapagtagumpayan natin at malagpasan ang mga mabibigat na pagsubok sa buhay. Ito ay nakakatulong para madagdagan ang tiwala natin sa atin sarili.

Tapos Bes, huwag ka papatalo sa mga negatibo naiisip o saloobin. Kailangan mo ito kontrahin. Labanan ang negatibong naiisip. Kadalasan kasi ang mga naiisip natin negatibo sa atin sarili ay base sa atin opinyon o pananaw lang.

Self-inflicting ika nga ang karaniwan nagpapababa ng tiwala natin sa atin sarili. Bumabasag sa kumpyansya naten. Nagpapagulo sa atin mundo.

Istilo kung paano nga ba tayo magisip

Black and white. Nakikita natin ang isang pangyayari ng mabuti o masama lamang. Halimbawa, ‘pag hindi ako pumasa ng board exam, i am a total failure‘. Wala na loser na ako for life.

Goggles. Ang nakikita mo lang ay negatibo period. Meron kang baluktot na kaisipan sa isang tao o pangyayari. Halimbawa, ‘nagkamali ako sa aking paguulat sa klase. Kaya lahat sila iisipin nila hindi ko ito kayang gawin‘.

Negative Self-Talk. Minamaliit mo ang iyong sarili. Halimbawa, ‘graduate lang ako sa hindi kilalang eskwelahan kaya hindi ako matatanggap sa trabaho at sa isang prestihisyusong kumpanya.’

Negatron. Ito yon umabot ka sa isang negatibong konklusyon sa mga nangyari sayo kahit wala naman basehan. Halimbawa, ‘ang tagal mag reply sa text ng kapatid ko sa akin, siguro galit sya.’

Talaga Sisie? So, beshie lahat tayo ay nagkakaroon ng negatibong pag-iisip. Kaya huwag mo akuin lahat ng nabasa mo. Huwag kang maging negastar for all season. Char.

Matapos kontrahin ang mga negatibong naiisip mo. Subukan mo naman i-reconstruct ang iyong iniisip gaya ng:

Pagpapatawad sa sarili (Self-forgiveness). Hindi naman laging tama ang mga nagiging desisyon naten sa buhay. Tayo ay nagkakamali. Kaya beshie, be easy on yourself. Okay? Sabihin mo sa sarili mo, ‘nagkamali ako pero hindi ako masamang tao

Pagpapasalamat (Be grateful). Magpasalamat tayo sa mga biyayang natatanggap natin araw-araw. Pasalamatan ang mga taong nakatulong sa atin para tayo ay magkaroon ng maayos na pamumuhay. Pasalamatan ang Diyos para atin buhay. Beshie, hindi lahat ng tao ay may pagkakataon na magising. Yung iba hindi na nagigising. Kaya huwag natin kalimutan magpasalamasat.

Encourage yourself. Ayan! Beshie sa tuwing may nagagawa tayong mabuti at positibong pagbabago sa buhay ipagdiwang naten ito. Makakatulong ito para pagbutihan pa natin lalo.

Matuto tayo sa atin pagkakamali (Learned from mistake). Mahalaga na maging matalino tayo sa atin mga desisyon. Oo Beshie, kasi ang atin desisyon ay may positibo at negatibo resulta. Kung nagigipit o kinakapos ka sa pera matuto magtipid at magbudget. Kung bumagsak sa pagsusulit mag-review at subukan muli. Practice is the key!

Pang-apat Bes, panatilihin ang positibong relasyon sa pamilya at kaibigan. Mahalaga ang suporta na ibinibigay ng pamilya at kaibigan para palakasin ang atin kalooban. Sila yon nandyan sa tuwing ikaw ay may problema. At sa tuwing ikaw ay nagtatagumpay.

Tapos Bes, huwag mo kalimutan na mag imbentaryo ng iyong magandang katangian, kakayahan at talento. Kaya mahalaga na gusto natin yon ginagawa naten. Iba kasi yon nag-eenjoy ka. Masaya! Di ba?! Kaya linangin natin ang ating talento at kakayan. Ito ay makakatulong para maitaas pa ang antas ng tiwala natin sa sarili.

Kaya beshie huwag mo i-kompara ang sarili mo sa iba. Lahat tayo ay may kanya-kanyang panahon. Paghusayan mo sa iyong talento at kakayahan. Makikita mo magbubunga din ang lahat ng ginagawa mo.

Tapos Bes tulungan mo din yung iba. Gamitin mo ang iyong kakayahan at talento para pagsilbihin ang ibang tao. Nakakatulong din ito para tumaas ang tiwala mo sa sarili.

Ohh di ba Beshie?! Kaya tawanan mo lang ang mga naririnig mo na hindi magandang komento tungkol sa iyo. Hindi mo naman sila lahat ma ple-pleased. Hindi ka magiging masaya at panatag kung lagi mo iisipin ang sasabihin ng iba.

Ganun pa man ang iyong nabasa ay pawang gabay lamang sabi nga ni Zenaida Seva ‘meron tayo freewill gamitin naten’.

Leave a Reply