Na in-love kana ba sa ka chat mo? Aba ngayon pandemic may ilan sa atin ang nagsasabi na in-love nga daw sila! Talaga ba? Iba din… Ano nga ba ang mga posibleng dahilan bakit sila na in-love sa kanilang ka chat?
Ang pandemic kasi nagdulot ng stress sa lahat. Maaring matinding stress para sa iba na nagkasabay-sabay ang problemang kinahaharap sa buhay. Ang iba naman ay gawa ng pagkainip o boredom. Ikaw ba naman nasa bahay lang ng mahabang panahon. Malamang maghahanap ka ng kalandian. char. Kausap ang ibig kung sabihin. Kaw naman…
Ito ay ang maaring kadahilanan ng pagka in-love nila sa kanilang ka-chat. Sa henerasyon kasi ngayon marami ng teknolohiya ginagamit para maka connect ka sa iyong pamilya, kaibigan at ibang tao (maaring nakilala lang sa internet). Andyan ang Facebook messenger, WhatsApp, Twitter at marami pang ibang social networking sites. Eh di wow!
Mapapa wow ka talaga! Lalo na yung ka chat mo, uma-aura ang pagka gentlemen tapos makikita mo pa ang profile picture nya sa fb na impressive at ang hot. San ka pa? Sakay na.. Aba, madali ka nga talaga maiinlove nyan teh. Tapos may chat pa sa iyo na concern sa health mo, ‘ingat ka lagi..’ Serep nemen. Hahaha
Hanggang sa magkapalagayan na kayo ng loob. At gusto nyo makita ang isat-isa. Medyo lumalalim na din ang usapan nyo from simpleng kamustahan hanggang sa personal na buhay. Pero, Teh ingat ka.
Hindi sa nangengealam ako, concern lang. Gaano na ba kayo katagal magkakilala? May common friend ba kayo? Paano ka nakakasiguro na single sya? Inlove ka nga ba or infatuation lang ito?
Masarap kasi sa pakiramdam na may taong nagbibigay ng oras sayo. Yung may nakikinig sayo. Nagsasabi ng mga magagandang katangian mo kahit virtual lang. Sherep eh. Nakakakilig!
Kailangan natin maging maingat teh. Kilalanin maigi ang iyong nakaka-chat. Hanggat maari huwag magbigay ng personal na impormasyon gaya ng address, bank account number at iba pang sensitibong impormasyon. Ganun din ang impormasyon ng iyong kapamilya.
Lalo na higit mag-ingat kung wala naman kayo common friend at sa social media lang nagkakilala. Hindi naman natin masusukat ang ugali at kabutihan ng tao kung social media lang ang basehan. Iba pa din yung nakakasama at nakakahalubilo mo sya.
Paano po kung in-love na ako sa kanya? Ano ba ang pagpapakahulugan mo sa salitang in-love? Ang love kasi teh package yan. Kaya mo bang mahalin ang positibo at negatibong katangian nya? Tanggap mo ba kung sinu sya? Kaya mo ba siyang pagkatiwalaan?
Kung ang basehan mo ng pagmamahal ay pisikal na katangian lamang maaring infatuation lang yan. Well, kasama naman din talaga na physically attracted ka sa kanya lalo na kung may face value. Kaya kilalanin naten maigi at alamin kung may pagka ka parehas ba ang inyong ugali at pananaw sa buhay.
Kung may common friend kayo. Maari ka magtanong ng mga impormasyon tungkol sa iyong ka chat. Sabi nga ng ritemed, huwag mahihiyang magtanong…
Mahirap naman maging judgmental. Malay natin magtagumpay ang inyong relasyon na nagsimula sa social media. Ang risky nga lang nyan! Ganun pa man nasa iyong mga kamay ang iyong kasiyahan. Ang inyong mga nababasa sa strengthswriter ay pawang gabay lamang. Sabi nga ni Master Hans, meron tayong free will… Gamitin naten.
Thank you Sir dati talaga napakahilig ko makipag chat sa mga diko kakilala hahaha, meron pa nga taga Las Piñas, Cebu at kung saan saan pa. Tapos ang dami niyong naging plano at pangarap sa buhay hahahahaa ang ending wala hahaha plano lang talaga. Plano namin pero hindi para sa isa’t-isa charot!!!! Hahahahahahhaa thank you sir dito. Hindi na ko makikipag chat sa mga diko kilala at mga taga malayong lugaf taga dito na lang sa Bulacan para mas makatotohanan hahahahahhaha
I think its better to have a relationship that is based on the foundation of trust and friendship. One must take a precaution on using social media for dating and romantic relationship.