Nagkamali ka man, hindi mo dapat parusahan ang sarili mo

Naimbitahan ako para magbigay ng training sa isang grupo ng substance user. Ano nga ba ang substance user? Ito ay individual na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Hindi lang ipinagbabawal na gamot, kasama na ang alak at sigarilyo. Dahil dito gumawa ang local government at barangay ng mga programa para tulungan ang mga indibidwal na may adiksyon sa ipinagbabawal na gamot. 

Isa sa mga programa ay ang self-care (Ang pag-aalaga sa sarili). Hindi ako makatanggi gawa ng ang kaibigan ko ang organizer. Habang binubuo ko ang module, naisip ko anu nga ba ang dapat na maging konteksto ng aking sasabihin. Syempre, anu ang pag-aalaga sa sarili, bakit mahalaga ang pag-aalaga sa sarili at mga pamamaraan para alagaan ang sarili bilang paksa. 

May nakalimutan pa ba ako? Oo meron, yan ay pakinggan ang kanilang istorya! Mahalaga na magkaroon ng pagbabahagian. Ang kanilang mga pinagdaanan sa buhay at ang paraan ng pagaalaga sa sarili.

Habang kami ay nakapabilog at nagkwekwentuhan. Nilinaw ko na hindi ako naparito para husgahan sila. Narito ako para makinig at tulungan sila. Naramdaman ko yung bigat, yung mga problema sa kwento nila. Problema sa sarili, sa pamilya, kahirapan sa buhay, at kawalan ng trabaho. Ang nag-udyok para sila ay gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

Andun yung pagsisisi at pagpapakumba. Habang ang iba naman andun ang galit sa sarili. Kasama na ang paninisi sa ibang tao dahil sa hindi magandang nangyare sa buhay nila. Sa kamalasan nila sa buhay.

 

 

Leave a Reply