You are currently viewing Wearing is Caring

Wearing is Caring

Halos sampung buwan na tayo nasa quarantine measures para mapigilan ang patuloy na paglaganap ng coronavirus. Habang ang medisina ay tumutuklas at gumagawa ng lunas kontra COVID-19. Napabalita kamakailan na may bagong variant ng coronavirus ang nakapasok na sa bansa. Bagamat pinagaaralan pa ng mga eksperto ang naturang UK variant ng coronavirus.

Nasa panahon pa rin tayo ng pandemya kaya mahalaga na manatiling maging maingat. Kailangan mapanatili ang social distancing at kalinisan para makaiwas sa coronavirus. Nandyan na ang palaging paghuhugas ng kamay, paglilinis ng bahay, wastong pagluto ng pagkain at iba pa natin ginagawa para mapanatili ligtas tayo sa banta ng coronavirus. Uminom din tayo ng vitamins at supplement makakatulong din ito para palakasin ang ating katawan.

Bes, sa tuwing lalabas ka ba ng bahay nagsusuot ka ng face shield at face mask? Uhm… Minsan.. Madalas.. Maganda sana kung uugaliin naten na magsuot ng face shield and face mask. Para sa proteksyon mo at ng iyong pamilya.   

Tingin ko hindi ka komportable na may suot na face mask at face shield? Tama ba? Kahit ako man ay ganun din ang pakiramdam. Sa experience ko kasi, nahirapan ako makahinga ng maayos pag naka face mask. Eh, paano pa kaya yung mga nagjo-jogging suot ang face mask. Kamusta naman diba?! Minsan kasi may mga nakasalubong ako na nagjo-jogging suot ang face mask nila. Wala lang na imagine ko lang.

Ganon pa man, kailangan naten sundin ang public reminders ng Department of Health. Tayo din naman ang makikinabang. Tiis-tiis na lang muna na suotin ang face mask and face shield. Tapos panatilihin naten ang social distancing lalo na sa pampublikong lugar.

Beshie, ‘wearing is caring’. Alam mo minsan pag nakaramdam ka ng sipon or konting pangangati ng lalamunan. Nakakastress! Hindi maiwasan magisip ng kung anu-ano na may kinalaman sa coronavirus. Nakakawala ng peace of mind. Minsan naiisip mo baka bitbit mo ang coronavirus. O mahawaan mo ang kasama mo sa iyong tahanan lalo na kung bata at matanda.

Hindi tayo nakakasigurado sa mga nakakasalamuha naten sa pampublikong lugar. Baka mamaya may asymptomatic tayo nakasalamuha sa daan. Sila yung indibidwal na positive sa coronavirus pero walang sintomas. Sa pagtawa at pagsasalita ng isang asymptomatic pwede tayo mahawaan.  

Nang minsan nasa mcdonald’s ako may paala-ala na sundin ang social distancing ganun din ang pagsusuot ng face mask and face shield. Ibig sabihin lang nyan lahat tayo ay kailangan mag-ingat. Health is wealth lalo na ngayong panahon ng pandemya.   

Ang inyong nabasa ay pawang suhestiyon lamang. Meron tayong freewill. Gamitin naten.

Leave a Reply